SURVEY | RMN DXMD at IFM Gen San, nananatiling no.1

Patuloy ang pamamayagpag ang RMN Networks sa buong bansa!

Ito ay matapos na magsanib pwersa at i-domina ng RMN DXMD at IFM Gen San ang pagiging number 1 radio station sa General Santos City.

Sa latest Kantar Media Research Survey, nanguna ang RMN DXMD at IFM Gen San na nakakuha ng pinagsamang score na 34% share.


Malayong malayo ang puntos kumpara sa ibang radio station kung saan nasa 18.3% ang nakuhang share ng Brigada FM, 10.6% share sa Bombo habang ang ABS-CBN ay nasa 8.9% share at ang RGMA ay mayroon lang 5.8% share.

Kasabay nito, kapwa nagpasalamat ang mga station manager ng DXMD at IFM Gen San sa patuloy na pagsuporta ng publiko sa RMN.

Ayon kay DXMD Station Manager Radyoman Ina Daven, masisilbi aniya ang survey upang mas lalo pang pagbutihin ang commitment ng RMN na pagbibigay ng de kalidad na balita, drama at serbisyo publiko.

Nagsalamat din si Radyoman IFM Gen San station manager Radyoman Armando Enriguez sa mga tagapakinig sa walang sawang pag-suporta.

Muli binabati ng RMN Networks ang RMN DXMD at IFM Gen San ang pagiging number 1 radio station sa General Santos City.

Facebook Comments