SURVEY | Speaker Arroyo, tanggap ang nakuhang approval ratings

Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagtaas ng kanyang approval rating base sa huling survey ng Pulse Asia.

Base sa press statement ng Office of the House Speaker, patunay ito na naibabalik na ang tiwala kay Arroyo matapos ang ilang taong pag-atake at political persecution.

Bagaman survey lamang ito, itinuturing ito ni Arroyo bilang ‘snapshot’ ng mga sentimyento ng publiko.


Bilang house speaker, nananatiling focused at committed si Arroyo sa trabaho nito sa Kamara para maisulong ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang batay sa survey ay nakakuha ng 19% approval ratings si Arroyo, 43% naman ang hindi pa rin kumbinsido habang nasa 37% ang undecided.

Facebook Comments