Manila, Philippines – Bumaba ng walong puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa nakalipas na tatlong buwan.
Sa resulta ng second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong June 27 hanggang 30, kung saan 1,200 na mga Pinoy ang kanilang nakausap mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Nabatid na 70 percent sa mga Pinoy ay may malaking tiwala kay Duterte habang 13 percent naman ang may kaunting tiwala at 18 percent ang undecided.
Dahil dito, mayroong plus 57 net trust rating ang Pangulo na mas mababa kumpara noong first quarter na nasa plus 65.
Sa kabila nito, nilinaw ng SWS poll na ang net trust rating ni Duterte ay itinuturing pa ring “very good” kahit na bumaba pa ito.
Facebook Comments