SUSI SA KAPAYAPAAN | DFA, umaasang magiging matagumpay ang planong pag-uusap ng mga lider ng Amerika at North Korea

Manila, Philippines – Kaisa ang Pilipinas sa international community sa panalanging magiging matagumpay ang pag-uusap nila United States President Donald Trump at Democratic People’s Republic of Korea leader Kim Jong Un.

Inaasahan kasing magpupulong ang 2 lider sa darating na bwan ng Mayo kaugnay ng denuclearization ng Korean Peninsula.

Ayon sa Department of Foreign Affairs kapag naging mabunga ang pulong ng 2 lider inaasahang mababawasan ang tensyon sa Asia-Pacific Region kung saan sakop ang Pilipinas.


Umaasa din ang DFA na ito na ang umpisa para maresolba ang problema sa Korean Peninsula.

Kasunod nito nakahanda ang bansa na maging parte sa pag-aambag sa pagkamit ng kapayapaan at stability sa Korean Peninsula.

Facebook Comments