Nagkaroon ng komusyon kahapon sa vicinity ng Camarines Sur Comelec provincial office kung saan nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si House Majority Floor Leader Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., para sa pagkagubernador ng probinsiya.
Isang binata ang nagtangka umanong bumunot ng baril ilang metro malapit sa kinaroroonan ni Andaya. Kaagad naman siyang inagapan ng mga close-in security ni Andaya at tinurn-over sa mga kawani ng PNP.
Kinilala ang suspect na isang Ray John Musa y Tubana, residente ng Barangay San Vicente, Iriga City.
Ayon pa sa report, si Musa ay empleyado ng Camarines Sur Provincial Office na naka-assign sa Civil Security Unit (CSU). Ang bagay na ito ay kinumpirma naman ng pinuno ng CSU na si Mr. Jojo Musa, subalit pinasinungalingan nito na may dala-dalang baril ang naagapan na suspect.
Sa interview ng RMN Naga – DWNX sa close-in security ni Andaya na si Retired Police Chief Inspector Samuel Alforte, akto umanong bumubunot ng baril si Ray John Musa malapit kay Andaya subalit nahulog ang baril at agad nagkaroon ng komusyon kung saan inagapan ng mga tauhan ni Andaya ang suspect. Nakuha mula sa kanya ang isang 38 revolver . Sinabi pa ni Alforte na mga anim na metro lamang ang distansiya ng suspect mula sa kinatatayuan ni Andaya.
Hawak ngayon ng PNP ang suspect at sasampahan ito ng kaukulang kaso anumang oras ngayong araw.
Samantala, sa panig naman ni gubernatorial aspirant Rolando “ Nonoy” Andaya, Jr., una na niyang ipinahayag na may impormasyong nakarating sa kanyang kaalaman na may nagmamanman umano sa kanyang mga kalakaran mula nang magpahayag siya ng kanyang pagnanais na kakandidato bilang governor ng Camarines Sur.
Ayon pa kay Andaya, malinaw na siya ang target ng nasabing suspect; subalit hindi siya natatakot dito. Gayunpaman, nakiusap siya na kung may planong masama sa kanya, wag ng idamay ang kanyang pamilya lalo na kahapon kung saan kasama niya ang kanyang maybahay at kapatid sa pag-file ng kani-kanilang COCs sa Comelec Provincial Office sa kapitolyo probinsiyal ng Camarines Sur.
Naniniwala rin si Andaya na ang insidente kahapon ay isang stratehiya ng kanyang mga kalaban sa politika para takutin siya at kanyang mga leaders and supporters,
SUSPECT BUMUNOT ng BARIL MALAPIT kay CamSur Gubernatorial Aspirant Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., NAAGAPAN
Facebook Comments