Suspect na bumaril patay sa Pakistani national sa bayan Pikit North Cotabato arestado

Nahuli na ang isa sa dalawang suspect na bumaril patay sa Pakistani national na kinilalang si Estesham UlHaq noong hapon ng Martes sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato. Kinilala ni Police Chief Inspector Romy Castanares ang suspect na si Bamboni Sultan res ng Pikit na ngayon ay kritikal ang kondisyon matapos itong tamaan ng bala sa kanyang katawan ng makipagbuno sa mga rumespondeng pulis noong araw ng mangyari ang krimen. Meron umanong nakapagsumbong sa mga pulis na tinamaan ang isa sa mga suspect at isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City. Sa ngayon ayon kay Castanares ay bantay sarado ang nasabing pagamutan .Naisampa na rin ang kaso sa prosecutors office laban sa suspect habang tinutugis ang isa pa nitong kasamahan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments