Gurong suspek sa pagmolestiya ng 14 – anyos na batang lalaki, arestado!

Cagayan de Oro – Inaresto ng mga pulis ang isang guro sa grade 9 sa Cagayan de Oro National High School dahil sa kasong child abuse.

Ayon kay Macasandig Police Station Commander Police Senior Inspector Julius Saluta, ang guro ay si Jesser Pairat, taga Barangay Macasandig dito sa siyudad.

Napag-alaman na dinakip si Pairat sa labas ng paaralan sa Barangay Nazareth sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Judge Evelyn Gamotin-Nery sa branch 19 sa regional trial court.


Isang 14 anyos na lalaki ang biktima at isa itong atleta habang coach nito ang nasabing guro.

Nilasing umano ng guro ang biktima saka pa ito ginalaw habang nakatira sa bahay ng suspek.

Dagdag pa ni Saluta na nangyari ang pagmolestiya sa taong 2016 at ngayong taon lamang lumabas ang warrant of arrest.

Facebook Comments