Suspect sa pamamaril sa Cotabato City Arestado

Kritikal ngayon ang kondisyon ng dating barangay kagawad ng Rosary Heights 10 matapos pagbabarilin pasado alas 5:10 ng hapon kahapon sa Pansacala, RH-10, Cotabato City.
Sugatan din naman ang isang babae makaraang tamaan ng ligaw na bala. Kinilala ang mga biktima na sina former kagawad Faisal Guiaman Ibad, 49 anyos at si Soya Itok Ulisen, 44 anyos, kapwa mga residente ng Pansacala Street.
Ayon kay Police Station 2 Commander Police Capt. Rustom Pastolero, si Ibad maaring target sa pamamaril at nadamay lamang si Ulisen na tinamaan ng ligaw na bala sa paa.
Nakatayo lamang umano sa lugar si Ibad sa labas ng tindahan ni Ulisen nang pagbabarilin kung saan nahagip naman ng ligaw na bala si Ulisen na noon ay nasa loob ng tindahan.
Naaresto naman ang sinasabing suspek sa pamamaril na si Nashrudin Kari Dago alyas “Mahal” subalit mariin itong tumatanggi na s’ya ang namaril.
Ayon sa suspek, imposible na s’ya ang namaril kina Ibad at Ulisen.Anya, tiyahin n’ya si Ulisen dahil kapatid ito ng kanyang ina samantalang si Ibad ay kapitbahay naman nila.
Paano namang s’ya ang namaril gayong s’ya at mga kasama nito ang nagbuhat at nagdala sa mga biktima sa pagamutan.
Si Dago ay nakakulong ngayon sa custodial facility ng Police Station 2.(Daisy Mangod)

Facebook Comments