Suspect sa panggagahasa sa menor de edad arestado ng ng Pikit PNP

Huli ng Pikit Pnp ang itinurong nanggahasa sa isang minor de-idad, matapos maaresto sa Barangay Punol, Pikit, Cotabato.
Kinilala ni PSI Arvin John B. Cambang, Deputy chief of Police ng Pikit Mps, ang suspek na si Mohiden Kutin “Alias Kiring, 20 anyos, at isang magsasaka na residente ng Barangay Punol, Pikit, Cotabato.
Ayon sa ulat, bernes umano ng hapon. Alas 5:00 ay may isang ginang ang dumulog sa himpilan ng Pikit Mps at inireport na ang kanyang anak na babae ay ginahasa ng suspek, mga bandang alas-2:00 ng hapon ng bernes.
Ayon naman sa ating exclosibong panayam sa nanay ng bata at kanya naman pinasilip ang batang babae na 11 yrs old pa lamang
Agad naman nagsagawa ng hot pursuit operation ang Pikit PNP. Kung saan tinungo ang nasabing lugar, kasama si Barangay Kapitan Datu Alison Mangansakan, dahilan upang mahuli ang nasabing rape suspek.
Pagkatapos mahuli ang rape suspek ay dinala sa Crusado Medical Hospital at kinunan ng medical examination bago pinasok sa custodial facility ng Pikit Pnp.
Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa nasabing rape suspek.(Report from Jessie Ali)

Facebook Comments