Suspected drug lord Peter Go Lim, binigyan ng DOJ hanggang ngayong hapon para personal na maghain ng counter affidavit sa drug case

Manila, Philippines – Binigyan ng Dept. of Justice ng hanggang ngayong araw si suspected drug Lord Peter Go Lim para magpakita sa panel of prosecutors na nag-iimbestiga sa drug case nito.

Hindi kasi tinanggap ng DOJ Prosecutors ang counter-affidavit ni Lim na isinumite ng kanyang mga abogado.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes,kailangang si Peter Go Lim mismo ang mag-subscribe ng kanyang kontra-salaysay sa kanilang harapan para matiyak nila na si Peter Go Lim nga ang naghahain ng counter-affidavit


Iginiit naman ng kanyang abogado na dahil sa security reasons kaya sa Manila Prosecutor’s Office nanumpa si Lim ng kanyang kontra-salaysay.

Samantala, dumalo naman sa preliminary investigation kanina sina Kerwin Espinosa at Peter Co.

Hindi naman nakaharap sa pagdinig sina Lovely Impal at Max Miro.

Sa Sept. 6 dakong alas dies ng umaga ipagpapatuloy ang preliminary investigation sa naturang kaso.

Facebook Comments