Suspected Drug Pusher arestado sa DAM

33

Arestado ang isang 22 anyos na magsasaka na kinilalang si Joemar Dalgan Kusain sa ikinasang drug buy bust operation sa Brgy. Tulunan Datu Anggal Midtimbang noong hapon ng March 14, 2018. Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang isang piraso ng shachet ng pinaghihinalaang shabu na nagtitimbang ng 5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng 25 thousand pesos, 3 cellular phones, at isang improvised Cal. 9 mm Submachine Pistol at 9 na mga bala. Naaresto ang suspek sa mas pinalakas at mas pinaigting na kampanya ng PDEA ARMM katuwang ang iba pang mga operatiba kontra illegal drugs. Nahaharap na sa kasong paglabag sa RA 9165 ang nahuling suspected drug dealer.

Facebook Comments