Suspected drug pusher – patay sa operasyon sa Dinalupihan, Bataan

123

Bataan, Philippines – Patay matapos umanong manlaban ang isang suspected drug pusher sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan, Bataan kaninang alas kwatro y media ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat mula kay Police Senior Supt. Benjie Silo Jr. Bataan Police Director, kinilala ang napatay na si Marlon Aguilar alyas Marmar, residente ng Barangay Pagalanggang, Dinalupihan, Bataan.

Nabatid na natunugan ng suspek na police poseur buyer pala ang kanyang nakatransaksyon kayat bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga otoridad kayat gumanti ang mga pulis at napatay ang suspek.

 

Facebook Comments