Isang property custodian – nagpa-spa, patay

Cagayan De Oro, Philippines – Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng isang property custodian ng PENRO-DENR region 10 na natagpuang patay matapos magpamasahe.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Tubac, residente ng Kolambog, Barangay Lapasan sa siyudad ng Cagayan De Oro, na nagpamasahe sa Althea Spa sa Jr. Borja bago ito namatay.

Ayon sa anak ng biktima, umalis ang kanyang ama sa kanilang bahay dahil may pupuntahan na meeting, at pumasok ito sa spa alas-11 kagabi.


Inamin naman ng anak na may history sa highblood ang kanyang ama, at dati nang nadala sa hospital matapos atakihin, kaya nag-leave ito sa kanyang trabaho.

Dagdag pa ng anak, ang doctor na ang tumawag sa kanila kagabi para ipaalam ang sitwasyon ng kanyang ama.

DZXL558

Facebook Comments