Manila, Philippines – Nangangamba si ACTS OFW PL Rep.John Bertiz na ang mga nahuling hinihinalang may kaugnayan sa ISIS aynagagatasan pa ang mga OFW na pupuntang Kuwait.
Ayon kay Bertiz, ang nahuling hinihinalang konektado saISIS sa Taguig City nitong nakaraang Linggo na si Husayn Al-Dhafiri ay siyapalang Chairman at Chief Operating Officer ng Winston Q8.
Ang Winston Q8 na andito sa bansa aniya ay isangconsulting firm pero nagmimistula itong clearing house at accreditation housepara sa mga OFW na magtatrabaho sa Kuwait.
Giit ni Bertiz, pinasisilip nila sa AMLC ang Winston Q8para malaman kung saan napupunta ang pera para sa pa-medical ng mga OFW.
Aabot sa 8,500 pesos ang medical lamang ng isang OFW atdito lamang sila maaaring magpasuri.
Hinala ng kongresista ay posibleng pinopondohan ng gruponi Al-Dhafiri ang ISIS mula sa perang nakukuha sa mga OFW dahil bukod samaraming bayad na hinihingi ay wala ding iniisyu na resibo sa mga OFW.
Nauna dito ay inimbitahan na rin ang kumpanya saisinagawang imbestigasyon ng Kamara pero sa halip na humarap ang may-ari ngWinston Q8 ay mga abogado lamang ang pinapunta ng mga ito.
Suspected ISIS na nahuli sa Taguig, kumukuha ng pondo sa bansa
Facebook Comments