Suspected Karnap na SUV nabawi sa isang Police Captain

Naka-impound na sa Regional Highway Patrol Unit-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang narekober nilang pinaniniwalaang nakaw na sasakyan mula sa deputy police chief ng Marawi City.
Sinabi ni RHPU-BARMM director Col. Hesran Mojica, ang puting Ford Everest na nabawi mula kay Police Captain Santos Monares ay nasa kanila nang kustodiya.
Sinabi ni Col. Mojica na iginigiit ni Capt. Monares na nabili n’ya ang naturang sports utility vehicle mula sa isang kapitan na naka-destino sa Police Regional Office-10 sa Cagayan de Oro City.
Ayon pa kay Col. Mojica, ang narekober nilang SUV ay pag-aari ng indibidwal na taga Sta. Ana, Manila at naka-alarma na rin ito.
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal si Capt. Monares sa Office of the City Prosecutor sa Marawi City.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments