Suspek na nag-abandona ng higit ₱30M halaga ng shabu sa NAIA, nadakip na

Nadakip na ng mga otoridad ang suspek na nag-iwan ng nasa 35-milyong pisong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 kahapon.

Ayon kay PDEA-NAIA Chief Gerald Javier, naaresto ang suspek na si Orbillo Nazarene sa Tarlac.

Una rito, nadiskubre ng PDEA ang shabu sa isang bagahe na galing Hanoi, Vietnam.


May timbang na higit limang kilo ang iligal na droga.

Facebook Comments