Manila, Philippines – Hawak na ng pulisya ang suspek na naghagis ng granada paligid ng Malacañang noong September 14 2019.
Kinilala ang suspek na si Luis Cariño 38-anyos ng Barangay 164 Tondo, Manila na nahagip ng CCTV camera bago nangyari ang pagsabog.
Ayon sa suspek, binayaran siya ng 10,000 piso para maghagis ng granada at takutin ang may-ari ng C-Foods Resto na nasa vicinity ng Malacañang.
Sa pag-amin ng suspek nilason umano ang kanyang kliyente dahilan para to ay gumanti.
Ayon kay NCRPO Chief Major General Guillermo, magtatago at papuntang Bulacan ang suspek ng maharang sa checkpoint sa Greater Lagro Fairview, Quezon City.
Umiwas si Cariño sa mga pulis kaya at hinabol ito at nang abutan ay may nakuha sa kanyang shabu at granada.
Sinabi ni Eleazar, bukod sa pag-amin ng suspek magsisilbing ebidensya ang motorsiklo, helmet at pin ng granada na ginamit sa krimen.