Gataw na Bangus na ibabyahe umano nasabat ng pulisya sa Dagupan City

Aabot sa siyam na raang kilo ng bangus na nabubulok na o tinatawag na gataw na tinatayang nagkakahalaga ng tatlumpung libong piso ang nasabat ng PNP sa Dagupan City ito ay matapos na may magsumbong.
Agad na hinold ang trader na walang maipakitang kaukulang papeles na magpapatunay sa kanyang bentang bangus.
Aminado naman umano ang trader na ito ay galing sa fish cage sa bayan ng Sual na patay na ng ito’y hanguin mula sa palaisdaan na itinanggi ng Municipal Agriculture Office ng Sual na may nangyaring fish kill sa bayan.
Inaalam na ngayon ng pulisya kung saan galing ang bangus at kung ito ay ibebenta upang gawing processed bangus. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang trader maging ang kanyang buyer na haharap sa patong patong na kaso sa paglabag sa Fisheries Code of the Philippines at Consumers Act.
Agad namang ibinaon ang mga bangus.

Facebook Comments