Suspek na Nambugbog ng Magsasaka-Patay, Arestado

19

Cauayan City, Isabela- Nadakip rin ng mga alagad ng batas ang suspek sa pambubugbog na ikinasawi ng kapwa magsasaka sa Lungsod ng Santiago.

Matagumpay na naaresto ang suspek sa brgy. Divisoria na kinilalang si Cristobal Fabros, 30 taong gulang, walang asawa at residente rin ng nabanggit na barangay.


Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nag-inuman ang suspek at biktimang si Cirilo Solis, 57 taong gulang, may asawa at kalauna’y nagkaroon ng matinding pagtatalo kaugnay sa kanilang lupang sinasaka.

Nagtamo ng mga bugbog sa katawan at ulo ang biktima kung saan dinala pa sa Clinic at inilipat sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) para mabigyan ng kaukulang lunas subalit namatay rin dahil sa matinding head injury.

Nasa kustodiya na ng presinto uno ng Santiago City Police Office (SCPO) ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ng pulisya ang kasong Homicide na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments