Top 4 Most Wanted Person sa Region 2, Natimbog

12

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lolo na itinuturing bilang Top 4 most wanted person sa buong lambak ng Cagayan sa isinagawang operasyon ng kasapi ng Aparri Police Station sa Lalawigan ng Cagayan.

Nakilala ang akusado na si alyas Gardo, 63 taong gulang, walang asawa, karpintero at residente ng Brgy. Gosi Sur, Tuguegarao City.


Dinakip si Gardo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Antonio A Hernandez, ng Regional Trial Court Branch 7, Aparri, Cagayan na may petsang Agosto bente taong 1985 para sa krimeng “Murder” na walang inirekomendang piyansa.

Nasa kustodiya ng PNP Aparri ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay sa kinauukulang korte.

Facebook Comments