Suspek na pumugot sa ulo at kumain sa utak ng babae, patay nang ‘mang-agaw ng baril’

3138

Patay sa police operation ang suspek na namugot ng ulo at kinain pa ang utak ng biktima sa Talisayan, Misamis Oriental.

Ayon kay PM/Sgt. Paul Salcedo, imbestigador ng Jasaan Municipal Police Station, pinaputukan daw ng mga pulis si Lloyd Bagtong, 21, matapos mang-agaw ng baril noong Biyernes ng gabi.


Kuwento ng pulis, pabalik na sila sa Talisayan matapos ang inquest sa Cagayan de Oro City nang ma-flat raw ang gulong ng kanilang sasakyan sa Sitio Punta Gorda, Barangay Danao, sa Jasaan.

Tinanggal umano ng operatiba ang posas ni Bagtong makaraang magpaalam na iihi sandali.

Nang makalagan, inagaw umano ng salarin ang baril ng isa sa mga pulis. Doon na siya nabaril ng awtoridad.

Naisugod pa ang suspek sa pinakamalapit na pagamutan pero idineklara itong dead on arrival.

(BASAHIN: Babae, pinugutan ng ulo dahil sa pagsasalita ng Ingles; utak kinain ng suspek)

Kamakailan, inako ng binata ang karumal-dumal na krimen dahil nagalit siya nang magsalita ng Ingles ang babaeng biktima.

Facebook Comments

From Advertisers