Wednesday, November 11, 2026

SUSPEK SA MOTORNAPPING, ARESTADO SA HOT PURSUIT OPERATION SA TAYUG, PANGASINAN; NINAKAW NA MOTORSIKLO, NABAWI

Arestado ang isang suspek at nabawi ang isang nawawalang motorsiklo matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng mga tauhan ng Tayug Municipal Police Station noong Nobyembre 10, 2026.

Isinagawa ang operasyon kasunod ng naiulat na insidente ng motornapping sa Barangay Panganiban, Tayug, Pangasinan.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng Tayug Police Station sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major Ronnel K. Balangcod, hepe ng himpilan.

Ayon sa pulisya, bahagi ito ng kanilang patuloy na pagpapatupad ng maagap na pagtugon sa mga insidente ng krimen at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Patuloy namang isinusulong ng Tayug Police Station ang aktibong pagpapatrolya at pagpapatupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments