Tuesday, November 10, 2026

LIBRENG AIRCON INSPECTION AT CLEANING SA MGA DAYCARE CENTER, ISINAGAWA SA URDANETA CITY

Nagkaloob ng libreng aircon inspection at cleaning service ang City Government of Urdaneta, sa pamamagitan ng Urdaneta City Livelihood Skills Training Center, para sa dalawang child development center sa lungsod ngayong Nobyembre 10, 2026.

Pinangunahan ito ng mga livelihood trainees kasama ang kanilang instructor na nagsagawa ng pagsusuri at paglilinis ng mga air-conditioning unit sa Bactad East Child Development Center sa Barangay Bactad East at Consolacion Child Development Center sa Barangay Consolacion.

Layunin ng programa na matiyak ang mas maayos at komportableng silid-aralan para sa mga batang mag-aaral, habang nabibigyan naman ng aktuwal na karanasan at pagsasanay ang mga trainee sa larangan ng air-conditioning at refrigeration servicing.

Bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng lungsod sa skills training at serbisyong direktang nakatutulong sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments