Iba pang uri ng pork barrel, dapat na-i-veto na rin ng pangulo

53

Iginiit ng Bayan Muna sa Kamara si Pangulong Duterte na dapat ay i-veto rin ang lahat ng uri ng pork barrel sa 2019 budget.

 

Giit ng grupo, dapat ay isama sa mga na-i-veto na pondo ang senatorial pork na isiningit sa amendments ng Senado.


 

Gayundin ay pinapa-veto din ang presidential pork gaya ng intelligence funds ng PAGCOR, PCSO at mga GOCCs.

 

Sang-ayon ang Bayan Muna na na-veto ang P95.3 Billion na unprogrammed funds na isiningit ng Kamara sa 2019 budget pero dapat sana ay kasama ang lahat ng uri ng pork.

 

Samantala, welcome para kay House Majority Leader Fred Castro ang desisyon ng Pangulo sa budget kung saan nauunawaan at iginagalang nila ang ginawang pagbusisi ng economic teams sa pambansang pondo.

Facebook Comments

From Advertisers