Suspek sa panggahasa sa isang taong gulang na bata, patung-patong na kaso ang kahaharapin

811

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang taong gulang na batang lalaki sa Makati City.

Kasong rape at homicide ang nakatakdang isampa sa construction worker na si Gerard Reparip, 28-anyos at ka-trabaho ng lolo ng bata.


Nakita ang bangkay ni baby Angelo sa isang abandonadong gusali sa Yakal Street sa Barangay San Antonio nitong Martes ng gabi kung saan nakatira ang pamilya ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, bisita sa kaarawan ng lolo ng biktima ang suspek at nalasing ito.

Dito na isinama ng suspek ang bata para bumili ng biskwit pero hindi na ito bumalik.

Ayon sa mga magulang ng biktima, nasa trabaho sila ng mga oras na iyon kaya at ang lola lamang ng bata ang naiwan para mag-alaga at magbantay.

Nakitaan ng mga pasa sa katawan ang biktima, sugat at semilya ang puwetang bahagi na ng bata senyales na ginahasa ito ng suspek.

Umamin naman ang suspek sa kanyang nagawang krimen.

Sa ngayon ay nakaburol si baby Angelo sa Barangay Dela Paz sa Makati habang nanawagan ng tulong pinansyal ang mga magulang ng biktima para sa pagpapalibing sa kanilang anak.

Facebook Comments

From Advertisers