
Matagumpay na naisilbi ng Malasiqui Municipal Police Station (MPS) ang Warrant of Arrest laban sa isang 20 anyos na lalaki na itinuturing na Other Wanted Person (OWP) noong February 9, 2026, sa San Carlos City Jail sa San Carlos City, Pangasinan.
Ang akusado ay binate at residente ng Malasiqui, Pangasinan. Ang nasabing warrant ay kaugnay ng paglabag sa Anti-Carnapping Law, na may inirekomendang piyansa na ₱300,000.00.
Matapos maisilbi ang warrant, ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) – San Carlos City para sa kaukulang disposisyon ng korte.
Patuloy ang Malasiqui MPS sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang kaayusan at pagpapatupad ng batas sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










