Iilang baril at bala nakumpiska ng mga otoridad sa Placer, Surigao Del Norte

Iilang baril at bala nakumpiska ng mga otoridad sa Placer, Surigao Del Norte. Ito’y matapos isagawa ang operasyon ng PNP CIDG, Surigao Del Norte Public Safety Company at Placer PNP na kung saan nakuha mula sa kamay ng suspek na kinilalang si Nestor Tagupa Legaspi. Ang mga nakuhang baril kinabibilangan ng isang calibre .45 pistol, isang improvised shotgun, isang KG 9MM sub-machine pistol, dalawang magazine at 27 bala ng calibre.45, dalawang magazine at 26 na bala ng M16 rifle, kasama rin ang dalawang magazine at 7 bala ng KG 9MM sub-machine pistol, dagdag pa ang 6 na bala ng shotgun, 10 bala ng .38 revolver, holster, sling bag at iba pa. Ang diumano’y kasamahan ni Legaspi na si Johnny Villaver Alipayo ang patuloy pang pinaghihinalaang ng mga otoridad. Nakatakdang sampahan ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Sent from my iPhone

Facebook Comments