Suspek sa pagpapakalat ng mga malalaswang larawan ng UAAP star Kiefer Ravena, naaresto na ng PNP

Manila, Philippines – Naaresto na ng mga tauhan ng PNP Anti Cyber Crime Group ang suspek sa pagpapakalat ng scandal photos ni Kiefer Ravena ang dating UAAP Most Valuable Player.

 

Ayon kay Supt. Jay Guillermo, ang tagapagsalita ng PNP ACG,  alas-12:15 ng tanghali kanina nang maaresto ang suspek na kinilalang si Kristoffer Monico, 22 anyos, checking officer ng Metrobank at residente ng nos 36 Bartville Road, Dela Paz, Pasig City.

 

Naaresto si Monico sa isinagawang entrapment operation sa bahagi ng Eastwood Central Park, Quezon City.

 

Sa isinagawang entrapment operation, nakuha kay Monico ang dalawang pirasong 1000 peso bill marked money, dalawang unit ng cellphone, isang mamahaling relo, iba’t ibang identification cards, credit cards at cash na 6, 734 pesos.

 

Matatandaang una nang inireklamo ni Ravena si Monico sa PNP ACG matapos na magbanta itong ipapakalat ang mga malalaswang larawan kapag hindi nagbigay ng 50,000 pesos.

 

Nagpanggap umanong babae itong si Monico at nakikipag-chat kay Ravena.

 

Una nang nagbigay ng 25,000 si Ravena kay Monico para lamang hindi ipakalat ang mga malalaswang larawan ngunit sa kalaunay kumalat din sa social media ang mga pictures.

 

Sa ngayon nahaharap ang suspek sa kasong robbery/extortion at paglabag sa kasong Cybercrime Prevention Act of 2012.

 

Nanatili na ngayon si Monico, PNP ACG headquarters para sa investigation and documentation.



Facebook Comments