Suspek sa pagpaslang sa Vice President ng Pamantasang Lungsod ng Marikina, sinampahan na ng kasong murder at theft sa Marikina City

118
Manila, Philippines – Sinampahan na ng kaso sa Marikina City Prosecutors Office ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Vice-president ng Pamantasang Lungsod ng Marikina.
 
Ayon kay P/Chief Inspector Eduardo Cayetano,Station Investigation & Detective Management Section Chief ng Marikina Police. Murder at Theft ang kasong isinampa laban sa suspek  na si Glen Palasan 29 anyos na sinasabing kasambay ng biktima.
 
Ayon pa kay Cayetano, hihintayin na lamang nila  na ilabas ng korte ang Warrant of Arrest para damputin agad  ang suspek.
 
Matatandaan, na noong Marso a kinse habang nasa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Concepcion Uno ang biktimang si Prof. Alfredo Dimaano, 44, anyos ay pumasok ang suspek na si Palasan at ginilitan ang leeg ng professor  at hindi pa nakontento ay pinagnakawan pa ang naturang Vice President ng PLM.
 
 
 

Facebook Comments