Traffic scheme para sa mahal na araw, inihanda na ng RTA

Manila, Philippines – Nakahanda na ngayon ang traffic scheme para sa mahal na araw kung saan kasama ng RTA sa pagbabantay ang kapulisan at mga volunteer groups.
 
Ayun kay Atty. Egay Uy, ang head ng task force Hapsay Dalan na mas pagtutuonan nila ng pansin ang Malasag at Guadalope sa barangay Tablon ng lungsod.
 
Dagdag pa ng opisyal na maaari lamang makapasok sa area ang sasakyan ng barangay, pari, mayor at RTA.
 
Nanawagan naman ito sa lahat na sundin ang patakaran ng RTA dahil para naman ito sa ikabubuti ng lahat.
 
Lovelyrose Sambaan

Facebook Comments