Manila, Philippines – Sasampahan ng kasong Rape at Homicide saPasig City Prosecutors Office si Randy Oavenada 37 anyos truck driver na itinuturong suspek sa pagpatay kay Mabel Cama, 21 anyos na bank employee na hinalay at sinunog ang bangkay nang natagpuan kamakailan sa loob ng isang parking Compound sa Brgy Rosario Pasig City.
Ayon kay Pasig City Chief of Police Sr./Supt. Orlando Yebra, hindi siya naniniwalang nag-iisa lang ito nang patayan si Cama at posibleng may kasabwat pa si Oavenada kung kaya’t ilan pang ang kasamahan nito kanilang isasama sa kanilang isasampang kaso mamaya.
Paliwanag ni Yebra sa isinagawang forensic investigation ng PNP-SOCO, nag-match umano ang fingerprint ni Oavenada mula sa nakuhang fingerprint samples sa cellphone ng biktima na narekober sa pinangyarihan ng krimen.
Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon ng EPD na nag-positibo sa paggamit ng shabu si Oavenada.
Giit ni Sr./Supt. Yebra na pagbabatayan nalamang nila ang ‘circumstantial evidence’ laban sa mga suspek ang ‘forensic investigation’ tulad ng pagsasagawa ng polygraph at drug tests at fingerprint analysis dahil walang direktang testemonya o saksi sa krimen.