Suspek sa pagpatay sa dalaga sa Banga South Cotabato napatay sa operasyon

5957

Napatay sa operasyon ng mga otoridad ang sinasabing prime suspect sa brutal na pagpatay sa isang 16 anyos na dalagita sa Banga Soth Cotabato.
Sa report mula PNP, kinilala ang nasawing suspek na si Richard Gumilid Rompo.
Iimbitahan lamang sana sa police station ang suspek ngunit kaninang madaling araw ng magpumiglas habang may hawak na Granada resulta ng pagkakabaril sa kanya.
Si Rompo ay live in partner ng ina ng biktima.
Matatandaang December 2 ng unang maiulat na nawawala ang biktimang si Barbie Inocencio at natagpuan kahapon sa isang kanal na wala ng buhay.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakagapos ang mga kamay at duguan habang suot-suot pa ang uniporme nito at naisilid pa sa sako.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at pghahanap sa mga kasamahan pa ng nasawing suspek.
Umabot naman sa 600K ang pabuya sa mga makapagtuturo sa mga ito.

Facebook Comments

From Advertisers