Nadakip na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpatay sa De La Salle University student na si Queen Leanne Daguinsin.
Ang suspek na si Angelito Erlano y Lacerna o alyas “Kulet” ay naaresto matapos ang isinagawang hot pursuit operations ng PNP sa kanyang tahanan sa Brgy. San Nicholas 2, Dasmarinas City, Cavite ngayong araw, April 1, 2023.
Nang salakayin ng mga awtoridad ang tahanan ng suspek ay narekober dito ang kanyang t-shirt at shorts na pinaniniwalaang ginamit nito noong isinagawa ang krimen.
Nakumpiska rin mula rito ang itim na backpack ng biktima.
Si Erlano ay dati ng may robbery cases base sa datos ng PNP.
Nakatakdang sampahan ang supek ng kasong robbery with homicide.
Matatandaang March 28, nang matagpuan ang katawan ng biktima sa inuupahan niyang apartment na tadtad ng saksak.