Suspek sa pagpatay sa grab driver, inamin mismo ang krimeng ginawa

Manila, Philippines – Mismong inamin ng suspek na si Narc Tulod Delemios na ginawa nya ang pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato Jr.

Ito ay matapos na iprisenta ito sa media dito sa camp crame ang national headquarters ng PNP.

Sa prescon humingi ng kapatawaran ang suspek sa pamilya ng biktima.


Habang hindi naman mapigilan ng asawa ng biktima na si Brenda Maquidato ang mapaiyak sa ginawang pagpresenta sa media ng suspek.

Si Gerardo Maquidato Jr. ay pinatay ni Delemios noong October 6 matapos na magbook ang biktima sa Grab para maging pasahero ng suspek.

Iniutos naman ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na agad isailalim sa drug test ang suspek.

Habang paghoholdap naman ang nakikitang motibo sa pamamaslang ng suspek sa biktima.

Facebook Comments