DOJ, bukas sa aplikasyon ni Bikoy sa WPP

Manila, Philippines – Bukas ang DOJ sa posibleng pag-apply ni Peter Joemel Advincula alias Bikoy sa Witness Protection Program (WPP).

Gayunman, nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dapat munang mag-comply si Advincula ng requirements para sa WPP.

Sinabi ni Guevarra na hanggang ngayon ay wala pang sinumpaang salaysay na isinusumite si Bikoy sa piskalya at maging sa PNP.


Aniya, bukod sa sworn affidavit, kailangan ding magsumite ni Bikoy ng mga ebidensya para maging kwakipikado siya sa provisional coverage ng WPP.

Una nang ikinanta ni Bikoy ang Liberal Party na nasa likod daw ng pagpapakalat niya ng video na naglalaman ng paninira sa pamilya Duterte.

Facebook Comments