Illegal Recruiter na OFW, Hinuli sa Roxas Isabela!

Roxas, Isabela – Hinuli kagabi ng mga otoridad ang large scale na illegal recruiter na isang OFW sa Sitio Caragsakan, Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas Police Station, aniya ang akusado ay kinilalang si Joanna Bedania Abrera, apatnapu’t walong taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Nahuli umano si Abrera sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 sa kasong Large Scale Illegal Recruitment.


Ipinaliwanag pa ni Police Chief Inspector Bunagan na matagal sa ibang bansa si Abrera kaya’t ngayon lamang nahuli kung saan ay nagkataon din umano na nagbakasyon ang akusado.

Wala umanong nairekomendang piyansa sa kasong kinasangkutan ng naturang akusado at nasa himpilan na ng PNP Roxas para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments