Suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa Don Carlos, Bukidnon, pormal nang sasampahan ng kaso ngayong araw

Pormal nang sasampahan ng kasong homicide ngayong araw ang suspek sa pananaksak sa kanyang live-in partner sa bayan ng Don Carlos, Bukidnon noong Sabado.

Ito ay matapos na walang-awa at brutal na napatay ng suspek na kinilalang si Elson Erap Jamisula, 27 taong gulang at residente ng Poblacion Sur, Don Carlos sa Bukidnon ang kanyang kinakasama na si Kimberly Achas, 22 taong gulang at isang 3rd year college student.

Sa kuha ng CCTV footage sa bahay ng tiyuhin ng suspek, tinadyakan, pinalo ng upuan saka sinaksak ng basag na salamin ng makailang ulit ng suspek ang biktima hanggang sa binawian ng buhay.


Sinasabing nasa ilalim ng impluwensya ng iligal na droga ang suspek ng mangyari ang krimen.

Labis naman ang paghihinagpis ng mga magulang at kaanak ng biktima hinggil sa sinapit nito sa kamay ng kanyang kinakasama.

Sa ngayon, nakakustodiya na sa Don Carlos Municipal Police Station ang suspek hinggil sa karumal-dumal na krimen.



Facebook Comments