Sumuko sa Police Station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek sa pagpatay sa tatlong nursing students sa Caloocan City.
Sumuko mismo ang suspek na si Ronald Cajepe, 38-anyos, isang construction worker, residente ng Bagong Silang, Caloocan kay Police Major Sandie Caparroso, Deputy Station Commander ng PS 6.
Ayon kay Cajepe, hindi na makayanan ng kaniyang kunsensya ang kanilang ginawang krimen.
Magnanakaw lang sana sila, pero napilitan silang patayin ang mga nursing student dahil nakilala na sila.
Si Cajepe ay nasa custody na ng Caloocan City Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Facebook Comments