Agad naaresto sa parehong araw ng Lingayen Police Station, ang isa sa mga suspek na riding in tandem na bumaril sa isang retiradong pulis at dating kapitan sa Brgy. Tumbar, Lingayen, noong Abril 8.
Sa panayam kay Deputy Chief Of Police PMaj Arnorld Soriano, inihayag pa ng biktima sa kanyang anak ang pagkakakilanlan ng suspek bago ito tuluyang pumanaw.
Kinasuhan ito ng kasong murder na walang inirerekomendang pyansa, habang patuloy pang pinaghahanap ang kasamahan nito.
Patuloy pang iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril, ngunit hindi inaalis ang posibilidad na may kinalaman ito sa kanyang dating katungkulan.
Panawagan naman ng kapulisan ang kooperasyon ng publiko upang agad malutas ang kaso at makamit ang ng pamilya ang hustisya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








