SUSPEK SA PAMAMARIL SA SANTIAGO, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP

CAUAYAN CITY- Patuloy pa ring tinutugis ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril kamakailan sa Brgy. Nabbuan sa lungsod ng Santiago.

Matatandaang nasawi ang isang magsasaka habang sugatan naman ang isa pa matapos pagbabarilin ng suspek na si dating Police Major Danilo Buan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Acting Station Commander PCpt. Hassan Nor Damac, patuloy pa rin ang isinagawang pakikipag-usap sa pamilya ng suspek na tulungan silang mahanap o pasukuin ang suspek.


Aniya, bukod sa pamilya ng suspek ay nakakausap rin ng mga otoridad ang mga kaibigan ng suspek at hinihikayat ang mga ito na makipagtulungan para sa mabilis na pagkakaaresto nito.

Sa ngayon, naisampa na ang kasong murder, Attempted murder, at Frustrated murder laban sa suspek.

Facebook Comments