Suspek sa pananaksak, patay matapos mabaril ng rumespondeng pulis

95

Zamboanga del Sur – Patay ang isang lalaking suspek ng pananaksak matapos mabaril ng isang pulis na tinangka rin nitong saksakin sa Josefina, Zamboanga del Sur.

Ayon kay PO3 Alfredo Repe ng Josefina Police, ang napatay ay nakilalang si Michael Sarigumba Estor, 33-anyos, nakatira sa Barangay Tagaytay Hill sa naturang bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sa hindi malamang kadahilanan ay bigla nitong pinagsasaksak ang biktimang si Loriele Esterioso na dahilan ng agaran nitong kamatayan.


Kaya’t rumesponde sa insidente ang kapulisan pero maging ang pulis ay inundayan din ng saksak dahilan para mapilitan itong barilin na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Ayon sa imbestigasyon, napag-alaman na may problema umano sa pag-iisip ang napatay na suspek.

Facebook Comments