8.4 million pesos na halaga ng illegal na droga, nakumpiska ng mga pulis sa Cagayan de Oro

Cagayan de Oro – Umabot na sa 8.4 million pesos na halaga ng mga iligal na droga ang nakumpiska ng Cagayan de Oro City Police Office o CDO-CPO sa loob ng apat na buwan.

Ito ang kinumpirma ni CDO-CPO Spokesperson Mardy Hortillosa sa DXCC-RMN.

Ayon kay Hortillosa na ito’y nakuha mula Marso 1 hanggang Hunyo 30 ngayong taon.


Umabot na rin sa mahigit anim na raan ang naaresto sa halos apat na raang operasyon na isinagawa ng kapulisan.

Samantala, isang drug suspect naman ang namatay matapos manlaban sa operasyon.

Facebook Comments