Suspek sa pananaksak sa gitna ng kilos-protesta sa Maynila noong Linggo, sumuko

Hawak na ng mga awtoridad ang lalaking suspek sa pananaksak sa gitna ng kilos-protesta noong Linggo sa Maynila.

Ipinrisinta ngayong umaga ni Manila Mayor Isko Moreno ang suspek na si Richard Francisco, 52 taong gulang at may-ari ng maliit na watch repair shop sa Recto Avenue.

Sinaksak umano nito ang biktimang 15-anyos na Grade 10 student at residente ng Barangay Rizal, Taguig City.

Ayon sa suspek, nagawa niya lamang ito nang sinubukan umanong sirain ng grupo ng mga menor de edad ang ilang establisimyento sa gitna ng kaguluhan.

Nasawi ang biktima na dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival, ayon sa Department of Health (DOH).

Matapos ang insidente, kusa itong sumuko sa Barbosa Police Station sa Quiapo.

Sumailalim na ang suspek sa medical examination sa Ospital ng Sampaloc bago itinurn-over sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD) para sa imbestigasyon.

Facebook Comments