Suspek sa pananaksak sa Mandaluyong City, patuloy na pinaghahanap

21

Pinaghahahanap ngayon ng mga otoridad ang isang security guard matapos nitong saksakan ang kapwa niya security guard pasado alas-11 kagabi sa may Majestic Gas located sa No. 10, Dalisay St., Plainview, Mandaluyong City.

Ayon sa Mandaluyong PNP, nakilala ang suspek na si Kelvin M. Dela Cruz na patuloy pa ring pinaghahanap ng mga pulis ang kinaroroonan nito.


Batay sa salaysay ng biktima na si Freddie Padayao Pariabras, 37-anyos, nagtalo sila ng suspek dahilan para ma suntok niya ito at gumanti naman ang suspek sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanya sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman naisugod ang biktima sa Mandaluyong City Medical Center, pero kalaunan inilipat ito sa Rizal Medical Center.

Panawagan ng Mandaluyong City PNP sa publiko na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan kung may nalalamang impormasyon sa kinaroroonan ng suspek.

Facebook Comments