Suspek sa pananambang kay Lanao del sur Gov. Adiong, arestado

Nasakote na ng mga awtoridad ang isa sa mga itinuturong suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong noong February 2023.

Kinilala ni Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Maj. Gen Romeo Caramat Jr., ang naarestong suspek na si Ameno Amatonding, 52 taong gulang.

Naaresto ito ng magkasanib na pwersa ng CIDG Capiz, Marawi at Binalbagan police sa Brgy. Aguisan, Himamaylan, Negros Occidental sa bisa na rin ng warrant of arrest sa kasong 19 counts of Attempted Murder, 4 counts of Murder at 3 counts of Frustrated Murder.


Ayon kay Caramat, si Amatonding ay positibong kinilala ng isang testigo sa krimen.

Matatandaang inambush ang gobernador noong February 17 sa boundary ng Lanao Del Sur at Bukidnon na nagresulta ng pagkamatay ng tatlong police escorts at ang driver ng nasabing opisyal.

Facebook Comments