Suspek sa Panggagahasa sa NCR, Nakorner sa Isabela

42

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naaresto ng mga otoridad sa lalawigan ng Isabela ang isang suspek sa panggagahasa at itinuturing na Top 20 sa listahan ng mga most wanted sa National Capital Region (NCR).

Kinilala ang suspek na si Gary Flores, 46 taong gulang, byudo, construction worker at residente ng Barangay 73, PNR Compound, Caloocan City.

Nakorner at tuluyang nahuli si Flores sa Barangay 3, San Mateo, Isabela ng magkatuwang na pwersa ng San Mateo Police Station; Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR); Southern Metro Manila District Field Unit (SMMDFU); Regional Intelligence Unit 2; Regional Intelligence Unit-NCR; at District Intelligence Division-Quezon City Police District (DID-QCPD).


Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang pananamantala ng suspek sa isang 13-anyos na dalagita noong April 9, 2017 kung saan pinilit umano ng suspek na makipagtalik sa kanya ang biktima.

Nasa kustodiya na ng CIDG-NCR ang suspek at anumang araw ay ipapasakamay sa court of origin.

Si Flores ay nahaharap sa kasong panggagahasa sa ilalim ng Article 266-A under the Revised Penal Code.



Facebook Comments