18-Anyos na Tulak ng Droga, Natimbog; P25K Halaga ng Shabu, Nakumpiska

38

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang tulak ng droga sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Del Paul St., Barangay Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Sean Diezel Bayangan, 18 taong gulang, binata, estudyante at residente ng Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga.

Sa naturang operasyon, positibo umanong nabentahan ni Bayangan ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang ‘shabu’ ang isang poseur buyer kapalit ang halagang isang libong piso.


Nagresulta ito sa tuluyang pagkaka aresto ng suspek kung saan nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang buy bust money, isang (1) zip lock ng transparent plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana; isang (1) Lysergic Acid Diethylamide o LSD party drugs; limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman din ng pinaniniwalaang shabu; isang keypad cellphone at motorsiklo na walang plaka.

Agad na dinala sa Tuguegarao City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Mahaharap si Bayangan sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Facebook Comments