Suspek sa panggagahasa sa pitong taong gulang na batang babae, nahuli na ng mga pulis sa bayan ng Tigbauan, Iloilo

Manila, Philippines – Nahuli na ng mga kagawad ng pulisya sa bayan ng Tigbauan, Iloilo sa isinagawang hot pursuit operation ang suspek sa panggagahasa sa pitong taong gulang na batang babae sa barangay Parara Norte ng naturang bayan noong Biyernes ng gabi.
 
Nasa kustodiya na ng Tigbauan PNP ang suspek na si Noel Salarda alyas Dagul, 31 taong gulang, at residente rin ng naturang lugar.
 
Inamin naman ng suspek ang kasalanan at nagpahayag ito pagsisisi at humingi ng tawad sa pamilya ng biktima.
 
Sa kabila nito, pursigido pa rin ang mga magulang ng biktima na sampahan ito ng kasong rape.
           

Facebook Comments