Weather Report

73
Manila, Philippines – Patuloy na makararanas ng bahagyang maulap at mainit na panahon ang malaking bahagi ng pilipinas dahil sa amihan at easterlies.
 
Asahan pa rin ang magandang panahon sa may extreme Northern Luzon partikular sa Batanes, Calayan, Babuyan at Northern Coast ng Cagayan.
 
Ngunit inaabisuhang mag-ingat ang nasa hilagang bahagi ng bansa dahil sa pagtaas ng alon na epekto ng amihan.
 
Sa malaking bahagi ng Luzon, asahan na ang mainit na panahon na aabot mula sa 15 hanggang 25 degree Celsius.
 
Mainit na panahon rin mararanasan maliban sa isolated thunderstorms sa Metro Manila.
 
Asahan naman ang magandang panahon maliban sa isolated na pag-ulan sa Visayas.
 
Maaliwalas at mainit-init na panahon pa rin ang mararanasan sa Mindanao na makararanas din ng isolated thunderstorms.
 
Sunrise: 5:55 ng umaga
Sunset: 6:08 ng gabi
  

Facebook Comments