Suspek sa panghahalay umano sa mag-lola sa Capiz, nadakip na ng mga otoridad

256

Nasa kustodiya na ng Ivisan PNP ang suspek sa panghahalay ng 63 anyos na lola at apo nitong siyam na taong gulang sa Barangay Basiao, Ivisan, Capiz.

Nadakip sa ginawang hot pursuit operation ang suspek na kinilalang si Alyas Tiliboy, residente ng nasabing lugar.


Batay sa salaysay ng 63 anyos na biktima, nangyari ang panggagahasa sa kanila ng suspek alas- 10 kagabi nang pasukin nito ang kanilang bahay na may hawak na kutsilyo.

Itinali ng suspek ang mga kamay at paa ng mag-lola at pinagbantaan na papatayin ang mga ito.

Ayon pa sa lola, nakatulog ang suspek pagkatapos ng ginawang panghahalay at dito na sila nagkaroon ng pagkakataon na makatakas at agad nagsumbong sa mga opisyal ng barangay.

Facebook Comments